Miyerkules, Pebrero 15, 2012

Mata ng Isang Batang Pulubi

Minsan, habang nag-aabang ako ng jeep na masasakyan sa kanto ng Ermita, Manila.May lumapit sa aking isang batang pulubi.Mababakas mo sa kanya ang tunay na kahulugan ng kahirapan.Magulo ang buhok, madungis ang mukha, walang sapin sa paa at sira-sira ang damit.Ngunit sa kabila ng kanyang nakapanglulumong pisikal na kaanyuan, ang kanyang mga mata ang pumukaw at umagaw ng aking atensyon.

Sabi nila, mata daw ang salamin ng ating kaluluwa, hindi imposible subalit hindi lang iyon may mas malalim pang kahulugan at sa mata ng isang pulubi ko lang iyon natagpuan.Tila ba isang panaginip ng ako tinitigan niya, nagliwanag ang buong paligid, nabalot ng  misteryo at ang pagkabalot ng misteryong iyon, doon ko napagtanto na para bang lahat ng sikreto ng buhay ay binunyag niya sa aking harapan.Imposible.Makapangyarihan.Di kapani-paniwala ngunit totoo, nagmistulang isang anghel siya sa aking paningin.

Pagkisap ng aking mga mata, nakita ko pa rin siya, nakalatag ang mga palad sa aking harapan, namamalimos.Naisip ko ang tinapay sa aking bag at agad-agad ko yung kinuha at hindi ako nag atubiling ibigay sa kanya. Nagpasalamat siya at unti-unting lumayo, subalit hindi pa din maalis ang mata ko sa kanya habang unti-unti siyang naglalaho.

Bigla akong naalimpungatan sa busina ng jeep.Sa aking pagsakay, napaisip pa din ako sa mga naganap.Hindi maalis sa aking isip ang tagpong iyon.Tagpo kung saan masasabi kong imposible ngunit totoo. Nakita ko mismo ng aking mga mata lahat ng nangyari, hindi ako nanaginip o nagiilusyon. Kung sasabihin ko ito sa mga edukadong tao o kahit sa ordinaryong tao, marahil sasabihin nilang nasisiraan na ko ako ng ulo o nababaliw.

Ngunit kahit saan ko man tingnan, totoo siyang naganap, naganap ng tinitigan niya ako.Minulat niya ang mulat kong mata sa katotohanan ng buhay.

Katotohanan. Na ang tao ay nagpapaalipin na sa mga materyal na bagay lalo na sa pera, nilalamon na ng inggit, kapangyarihan, kayaman at pagiging makasarili. Hindi na nakukuntento sa kung anong meron sila, bagkos ay naghahangad pa.
Totoo.masakit mang isipin pero yun ang katotohanan na sa mata lang ng isang pulubi ko napagtanto.

Siguro,hindi ko na makikita ang batang pulubing yon,Siguro magiging isang ganap na siyang binata, maayos ang buhok, malinis ang mukha, magara ang damit, maaliwalas ang mukha, may sapin sa paa at malusog ang pangangatawan.Malayo sa dati niyang itsura.At syempre, ang mga mata niya na patuloy na magmumulat sa mga taong makakakita ng hiwaga nito.Alam ko, mangyayari yon at ako naman tatanda, lilipasan na ng panahon, puputi na ang buhok, hihina ang pangangatawan at habang panahong magiging masaya at pinagpala dahil sa kaganapan sa aking buhay na aking nasaksihan sa mata ng isang pulubing bata.

O kaya naman, mananatili siyang  isang pulubi na mamamalimos at patuloy na magbabaybay at maglalaro sa buhay habang minumulat ang mga mata ng mga taong makakasalubong niya sa katotohanan.At ako naman, mahihimlay sa isang paraiso habang yakap-yakap ko ang isang kaganapan sa king buhay na hinding-hindi ko makakalimutan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento