Miyerkules, Pebrero 15, 2012

Pagkakaibigan at Pagmamahal

Madaling magmahal ng taong gusto mo.
Magiging komplikado lang kung yung taong gusto mo ay kaibigan mo.
Mahirap itago ang nararamdaman,
Ngunit mas mahirap isugal ang pagkakaibigan.

Tila ka naglalakbay ng walang patutunguhan,
Nagsusugal ng walang kasiguruhan.
Dahil alin man sa dalawa ang iyong pagdesisyonan
Tiyak meron kang masisira at masasaktan

Kung pagmamahal ang iyong napili
Pagkakaibigan niyo naman ang mababali.
Masasaktan ka lang at masasaktan din lang siya.
At sa huli ikaw pa din ang mahihirapan at magdudusa.

Kung pagkakaibigan naman ang iyong ipaglalaban.
Handa ka bang magparaya sa iyong nararamdaman ?
Hindi mo nga masisira ang inyong pagkakaibigan.
Sa huli naman, iyo namang pagsisisihan.

Mahirap magmahal ng kaibigan yan ang totoo.
Dahil isang mahalagang desisyon ang gagawin mo.
Pagmamahal mo o pagkakaibigan anong pipiliin mo?
Kung kahit ano man ang mapagdesisyonan mo,
ay malaki ang magiging epekto sa sarili mo at sa pagsasama niyo.

Siguro magandang piliin mo na lang kung saan kayo tatagal.
Siguro, mahalin mo na lang siya ng hindi niya nalalaman
O kung malakas ang loob mo ay magtapat ka sa kanya
Subalit maging handa ka sa lahat ng magiging epekto nito sa inyong dalawa.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento