Lunes, Marso 12, 2012

Pagkatuto sa Pag-Ibig

"Don't look for LOVE let LOVE look for you", isang linyang galing sa isang palabas na naging bukang bibig ko na din. Madalas pag may humihingi sa kin ng payo yan ang sinasabi ko. Tama nga naman kasi, wag mong hanapin ang pag-ibig, hayaan mong sila ang humanap sayo. Kabaliktaran naman sa sinasabi nilang, " Paano mo makikita ang taong para sa yo kung hindi ka gagawa ng paraan para makita siya? " Tama nga din,kailangan mong ding gumawa ng paraan para hanapin kung sino man ang taong nakatadhana sayo. Ngunit, magulo, napakagulo ng mundo ng pag-ibig.. Maraming matalinhaga na may kaakibat na kabaliktaran katulad ng :

-Mahal mo , hindi ka mahal, tapos yung hindi mo mahal, mahal ka.
- Manhid siya, tanga ka
- Hinahanap mo ang taong tama para sayo, pero sa mali ka nahulog.
- Taong kinaiinisan mo noon, pero taong minamahal mo ngayon
-Moved On sa salita, pero hindi sa gawa.
-Pinagpupuyatan mo para lang sagutin ka, tapos pag kayo na, binabalewala mo na.
- Minamahal mo ng patago, takot kang umamin pero mahal ka rin pala at kung kelan huli na, wala na may mahal na siyang iba.
- Love as an inspiration, Love as a destruction.
- Pangakong napapako at sinusulat sa tubig.
- At syempre, pagmamahal ng kaibigan na matakot sabihin ang nararamdaman dahil sa pagkakaibigan.

Mga talinhaga ng pag-ibig para sa mga kabataan na tulad ko.Siguro nga, masyado nang nalulong kaming mga kabataan sa PAG-IBIG, maaring masama, maari ring mabuti ang naidudulot. Tulad sa pag-aaral, masasabing masama kung nagiging sagabal at nakakasira ito. Yun tipong mas inuuna ang "LABLYF" kung tawagin kesa sa pag-aaral.Mabuti naman kung ito ay nagiging inspirasyon, yun tipong matataas ang grades, nagpapakitang gilas para sa kanyang iniibig, yun maganda yun.Syempre,hindi mawawala sa masamang naidudulot ng PAG-IBIG ang pagiging batang ina at batang ama at yun ang pinakamalala sa lahat.

Marahil, lahat naman ng aming pagkakamali lalo na pagdating sa pag-ibig ay meron kaming aral na napupulot o sabihin na nating meron kaming pagkakatuto. Sabi nga, " Mistakes are made for us to realize what is right" , sa bawat pagkakamali namin, nandyan din yung pagkatuto. Pagkatuto kung saan hindi lang namin itatanim sa isip at puso namin, bagkos sasamahan namin ng gawa.

- Natutunan  na ang Pag-Ibig hindi minamadali, kailangan hinihintay  ang tamang oras at panahon na kung saan doon  ibibigay ang buong pagmamahal .Kung dumating man ang maling tao, at hindi napigilan ang  nararamdaman, mamahalin yong taong yun ngunit magtitira sa sarili para kung dumating man ang tamang tao meron pa kaming maibibigay.

-Na ang Pag-Ibig ay hindi isang laro, ito ay isang seryosong bagay na hindi namin kailangan madaliin.
-Na ang Pag-Ibig ay kailangan maging isang inspirasyon sa amin hindi isang destruksyon
-Na ang Pag-Ibig ay isang emosyon na maaring magpabago ng isang indibidwal.
-Na kakambal ang PAG-IBIG ang PAGKABIGO, kaya kailangan handa kang masaktan at handa kang magparaya kung kinakailangan.

Siguro nga, hanggang ngayon ang PAG-IBIG ay isa sa malaking problema ng kabataan ngayon, subalit parte na yun ng buhay. Lahat tao nagmamahal, siguro yung iba sa maling panahon, maling oras at maling pagkakataon. Ngunit dadating ang panahon na magmamahal din tayo, masasaktan at sa huli maaring maging masaya, nasa pagtanggap lang yan, kung paano mo tatanggapin ang taong nagmamahal sayo, kung paano mo tatanggapin lahat lahat sa kanya at kung paano mo tatanggapin ang pag-ibig na nakalaan sa yo.Walang taong hindi nagmamahal at hindi nasasaktan dahil magkakambal ang PAG-IBIG at PAGKABIGO. Pero ito lang ang masasabi, hanggang may nagmamahal sayo, wag kang magsasawang mahalin din ang taong mahal mo, hindi ka man niya mahal, dadating ang taong mamahalin ka ng buong-buo at duon mo ibigay ang pagmamahal mo ng walang labis at walang kulang.

Walang mga komento:

Mag-post ng isang Komento